Tuesday, June 07, 2005

Isa pa,isa pang chickenjoy.

Hindi ba na-immortalize na ang jollibee sa memories natin dahil sa commercial na yan?O si aga ang na-immortalize?O yung chickenjoy?Eitherway,minsan talaga kahit sobrang crappy ng isang advertisement ay bumebenta pa rin talaga.Sabagay kahit nga naman hindi nila ginawa yung commercial na yun eh may special part na rin talaga ang jollibee sa buhay ng bawat batang pilipino.Meron pa nga yatang nagsabi na some kids' first words are jollibee.Ayus.Kapag bata nga naman akala mo ang pinakamasarap na meal ay spaghetti with chicken at kapag walang ganun sa isang children's party ay kulang ang celebration.Anyway.(Dapat ba pag ginagamit ang anyway may s?Or it depends on what's the next word or subject of the sentence?)Kahit ano.Basta.Tingin ko talaga kinakalawang na utak ko sa sobrang hindi paggamit.Sana magfunction naman properly ngayong sem.Kanina nga habang ineedit ko yung posts para hindi naman sila masyadong dambuhala para sa mga bumabasa eh nakita ko yung isa kong post ay may word na procrastinate,pucha dahil sa sobrang kalawang sa utak ko eh kinailangan ko pa icheck sa dictionary kung tama ba ang use ko ng procrastinate at kung tama ba ang idea ko sa meaning niya.Buti na lang tama at nareassure ko na di pa rin naman ako ganun kabobo.Salamat naman.Minsan pa naman bumibida pa ko dito sa bahay nagmamarunong basta tungkol sa words.Eh tama naman talagang narcissistic diba?Hindi narcisstic na sabi ng nanay ko.Kinailangan ko ulit humagilap ng dictionary nung time na yun para patunayan sa kanya na ako ang tama at hindi siya.At nung napatunayan kong tama ako,aba,sarap ng feeling.Ha!Buti na lang di ako mayabang.Hahahahaha.Jok lang.Kala ko kasi nun ulit natanga na naman ako eh.Kaya hindi ako nagdodouble check ng mga sagot ko pag exams eh, lalo lang akong natatanga kasi magdedebate pako pag ganun.Buti na yung go with your gut feeling lalo na pag multiple choices.Hehehe.May nagsasayang kaya ng oras magbasa nitong mga pinaglalagay ko dito bukod sayo aryan?Pero di rin ako sigurado na binabasa mo to e.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home