Wednesday, January 26, 2005

aba.

kasalukuyan akong nasa bahay at hindi pa rin pumapasok dahil wala akong klase ng 8:30 ng umaga. yahoo.haha.buti na lang nabasa ko yung text ng kaklase ko na walang klase dahil may sakit si mam lai.sinong kaklase kaya yun?magtetenkyu ako kasi ambait niya kasi nung huli kaming walang klase aba,wala man lang naawa at tinext ako,ang resulta?pumasok ako ng 8:30 ng umaga at walang ginawa kung hindi tumunganga.hayup na kaklaseng dapat magtext sakin.hayup.kaya ngayon iniisip ko kung papasok pa ko ng 1 sa english ko,pero kailangang pumasok kasi nakaapat na absent nako dun at mahirap na gawing 5 pa yun.hay nako.sige sige maliligo na ako.

Monday, January 24, 2005

ang.araw.ko.

ngayong araw na ito ay bumalik na ako sa dentista.haleluya!at dahil sampung taon na akong hindi bumalik,pinagalitan ako ng dentista ko,tinanggal ko daw kasi yung goma na nakakabit sa braces ko.at ito pa,kagabi nung kumakain kami,nung kinakagat ko yung french fry na nakatinidor eh may narinig akong crack!at ang galing!may matigas at pagluwa ko aba!yung bracket ko natanggal.kaya ngayon ay kailangan ulitin ang proseso ng paggalaw ng ngipin ko at masakit na ulit siya ng sobra parang unang kabit ulit.saklap talaga.kanina naman sa simbahan ay nagsimba ako.galing ano?nagsisimba talaga ako.meron pa nga akong kras sa simbahan eh.kalbo siya at medyo maitim.ayus ba?talaga!hindi nga siya makaluhod kanina,tuwing may parte yung misa na kailangan lumuhod e nakaupo lang siya,tapos nung nagcommuniion na kami e hindi rin siya lumuhod,nakatayo naman siya.pero hindi siya ang highlight ng misa ko,at hindi rin ito ang sermon ng pari.ang sama ko ano.ang highlight para sa akin ng misa ay yung dalawang lab berds na isang pew ang pagitan sa amin sa harap.nakakaaliw kasi sila panoorin.yung mga futile attempts nung lalake na magdikit sila ng skin nung babae.hindi ko mapigilan ang mapangiti,siguro kung may nakakita sa akin habang pinapanood ko sila ay aakalain nun na ulol ako.hindi naman siguro,wala lang akong mas magandang pansinin.ang saya naman talaga kasi magobserba ng mga tao kahit saan eh.sige,matutulog na ako magxexerox pa ako ng handout sa kas namin.at isa pang aba!may pasok na kami ulit doon.

hay hay hay.

maganda yung babae sa commercial ng coke no?
at maganda rin ang boses niya.
nakakalss yung kanta pa.
hay talaga.