Tuesday, May 10, 2005

wawawi.

bat kaya hindi pa nila tanggalin sa ere yung show na yun? sobrang walang kwenta. sayang sa airtime. siguro yung mga tao pinapanood lang yun dahil magaganda yung mga co-hosts ni willy. kasi pati yung jokes nila walang kasing corny. at! napatunayan ko na talaga kung bakit artista ang mga artista. biruin mo ba naman tinanong sa game ka na ba kung ang opera house ba ay bahay na pinagooperahan ng tao o hinde, aba, sagot nung taga-scq na bulol bahay daw! kundi ba naman maghalo ang tawa at inis namin sa kanya. buti na lang talaga binalik ng abs si martin sa katauhan ni gerry lee. napagkagwapo niya talaga. kaya lang bakit kaya payatot na naman yung partner niya? di ba alam ng mga koreano kung para saan ang vitamins? si jessy lang yata ang mataba-taba sa mga koreano. maski si san-chai sa meteor garden pitik lang din ang katapat eh. kanina ko lang napansin di pala umaabot ng isang hinga yung mga entries ko dito sa blog. oh well, e alangan naman punuin ko to ng puro, ayun, wala lang, ganun eh. eh di putulin ko na lang kesa naman makawawa yung nagbabasa nito puro fillers lang mababasa niya. grabe ang liit pala ng PCU. o maliit lang yung parteng nakita namin? kasi dun sa pwesto namin parang sobrang mas malaki pa quesci eh. si mama pala nag-aral dun ng 3 sem. biruin mo yun, di pala siya grumadweyt sa PLM, tapos lumipat pa siya dun. kaya lang di ko naman masumbat sa nanay ko yun kasi kahit di siya nakatapos bigatin naman mga grades niya, takte umuulan ng 1, ambon lang ang 2. ikaw na maging ganun katiyaga. parang di ko yata kaya mag-aral ng ganun kabuti. magrebyu nga lang para sa isang long exam ang hirap na e. pero ayus lang kasi pala wala pa kong 5!!!!!!!!!!!!! na-3 pala ko dun sa lecheng eng10 ko. buti na lang. kala ko talaga uulitin ko pa yun e. ay nako aryan! bilisan mo ang uwi. miss na kita.

Thursday, May 05, 2005

Me?

At your ten year high school reunion... by robbiewriter


Your school name





Your name





Your job will be


Writer


You will be worth


$752,082


Everyone will think you


are really hot





Quiz created with MemeGen!


ayus. magkatotoo naman kaya yan.

Tuesday, May 03, 2005

one good day coming up!

yeah right. parang totoo. one month na ang bakasyon wala pa rin akong nagagawang productive. kaya lalo walang laman tong blog. masyado kasing eventful ang buhay ko. fully booked nga ako hanggang enrollment. if you want to set up an appointment i still have to check if i could pencil you in. ayus. ah meron pala nangyari. di na ko magdedebut. yehey. ano kaya kapalit? hmmm... malamang hindi kotse kasi wala kaming pera. sayang. okay lang di pa rin naman ako marunong magmaneho hanggang ngayon. yun na lang kaya gawin kong objective, kailangan matuto na kong magdrive bago matapos ang summer. para may masabi naman akong nagawang worthwhile this vacation. sayang dapat nagsummer na lang ako baka mas masaya pa.