galing talaga.
papakaadik na lang ako sa MP3's.
...
napakaexciting na naman ng araw ko. ang galing talaga. nagprocrastinate na naman ako. *must be productive.* yan dapat ang araw araw na sinasabi ko sa sarili ko. para may nagagawa naman ako kahit papano. tsk tsk. ang ganda pala nung garden state chaka pulp fiction. at si quentin tarantino pala ay mukang geek na bata pa na hindi ko akalain na siya yun. kakaiba yung image niya sa utak ko, parang mejo clint eastwood type na matanda at italian basta ganun. at si zach braff yung director at bida naman nung garden state, mukang hindi rin isang director. grabe at talentado naman nila sa murang edad na ganun eh ang andami na naling accomplishments na pwedeng ipagmalaki. salamat nga pala sayo adrian para sa mga dvd na pinapahiram mo.
bum bum bum
It's not that they lived happily ever after, what matters is that they lived.
- Ever After
ayus ba? napanood ko kasi at napansin ko na ang ganda pala nung huling lines nung movie. at hindi lang yan ang napansin ko ulit, bakit parang ang kapal at ang tigas at parang may stuffing yung crotch nung mga lalake? totoo, walang biro. ganun ba talaga sila nugn sinaunang panahon? kasi kung ganun sila e di ba supposed to be conservative mga babae dati naisip ko kung ako yun parang hindi ko mapipigilan na gumawi dun sa part na yun yung tingin kung ako yung nandun at nakakakita ng ganung itsura. hahahaha. pero totoo naman eh, distracting. isa pa palang napanood ko yung My BestFriend's Wedding sa AXN. bakit kaya lagi pa rin ako naluluha dun sa movie na yun. ah ewan. nakakatuwa yung sinabi ni julia roberts dun sa huli na niloloan niya daw yung song nila nung bespren niya habang wala pa silang kantang magaasawa. ang swet diba? ayun. chaka crush ko talaga yung bespren niyang bading dun eh. bakit kaya hindi na lang yun yung naging boypren niya no.
...
walang title dahil wala akong maisip na title. tama naman diba? waw pumapasok na ako ng espanyol ko kasi yung nanay ko babayuhin nako kapag hindi pa ko pumasok. turns out in demand pala ko dun sa klase na yun! naks! pileng. kasi naman ako na lang pala ang kaisa-isang delinquenteng estudyante na hindi pa pumapasok hanggang ngayon. pero ayus lang masaya naman yung klase kasi madaldal yung prof. kaya lang medyo feeling ko OP ako kasi halos lahat yata sila magkakakilala na ako na lang ang papansin na paimportanteng hindi pa. pero ayun, ayus lang kasi kasunod naman ng espanyol ko kanina yung philo ko. peyborit ko yung subject ko na yun eh, dahil sa prof at dahil din sa subject mismo. saya saya nung prof namin dami kwinekwento. ang dami kong napupulot na tidbits sa kanya eh. tulad ng kapag naalala mo pala yung dream mo eh di na nakatulog ng maayos? parang restless sleep kuno. eh naalala ko yung panaginip ko kahapon. ang ganda eh, andun yung kras na kras ko nung kabataan ko na scientian na alumni na 01. ganda na sana eh, feel na feel ko eh, as in yung panaginip na parang totoo, yung dama mo pati hinga nung katabi mo, pero napakaconcerned parent kasi ng nanay ko kaya ginising niya ko at pinapapasok na ng espanyol. just when i was about to get to a good part. eh well. a, may naalala pa akong isa pang bagay na napulot ko sa prof ko, na sleep is an altered state of consciousness. naririnig ko na yun pero nung sinabi niya chaka ko lang napagisipan na totoo pala yun. kasi isipin mo, pag yun ngang natutulog ka at nananaginip ka na parang totoo, tapos maiinterrupt yung panaginip mo, di ba di mo na mababalik yung original feeling or setting or basta di ko alam kung anong itatawag ko pero parang pag tinry mo balikan yung dream, di na pareho, mas aware ka na sa nangyayari dun sa panaginip mo tapos minsan pa nga nagiging pelikula na lang siya na ikaw ang direktor at mangyayari na kung anong gusto mong mangyari. so, hindi na siya panaginip, nagiimagine ka na lang, kasi naalter na yung state ng consciousness mo ulit, naregain mo na yung original state kumabaga. nagramble na lang pala ako. hmmm... ano kaya kung magsimula ako ng dream journal? pero yung totoong panaginip lang di kasama yung mga pelikula ko pag nakapikit.